Friday, December 18, 2009
Gary Granada Songs
Gary Granada Lyrics
1. Balitaan Mo Ako
Ang mundo ko ay gumuho nang sinabi mo sa akin
Na pag-asa ko'y malabo, di mo pwedeng mahalin
At mayron na kamong sa iyo'y nagmamahal
Ano'ng magagawa ko kundi ang magdasal
Na pag ika'y may pagkukulang, lagi niyang pupunuan
At ang iyong pangangailangan, lagi niyang tutugunan
Sana ay mahal ka niya at walang iba
Nang di ako mag-alala at siyanga pala
Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo
Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo
Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo ng boyfriend mo
Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo
Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo
Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo ng boyfriend mo
Sana ay kanyang mapantayan ang aking pagmamahal
At iyong mapatunayan habang di pa kayo kasal
Ayaw kong mangyaring tayo'y magsisihan
At ating masabing sana tayo na lang
Balitaan mo ako...
2. Earthkeeper
You, you were meant to be free
As wild as the sea
Just like an eagle soaring high
Nesting on trees that touch the sky
You have a right to this place
Like all human race
You are no less than a Child of the Maker
You're an Earthkeeper of the land of your birth
You were created to be a creator
You're the Lifebearer of Mother Earth
And you, you're holding the key
Between you and me
Life is a choice we need to make
Peace is the path that we must take
Where there is wasting and pain
To heal and sustain
You were so called to be named a Namegiver
You're a Defender of the nameless and weak
You were so pieced to become a Peacemaker
To make or unmake hangs on you
For the sake of the futures
Of our daughters and sons
In the name of all creatures
Give survival a chance
You are no less than a Child of the Maker
You're an Earthkeeper of the land of your birth
You are the Will, you're the Lost, you're the Seeker
The Story to tell hangs on...
You were so called to be named a Namegiver
You're a Defender of the nameless and weak
You were so pieced to become a Peacemaker
To make or unmake, to do or undo
Hangs on you
3. Eroplanong Papel
Nakasulat doon ang pangarap ko
Ang mithiin ng batang musmos
At marahil ako ay katulad mo
Na saksi sa paghihikahos
Sana'y mayron nang tahanan
Ang gumagawa ng bahay
At masaganang hapunan
Ang naghahasik ng palay
Ang bundok ay handang akyatin
Dagat ma'y kaya ring tawirin
Ang pangarap ko'y mararating
Isang araw ay liliparin
Ang matataas na pader
Ng aking eroplanong papel
Ang aking eroplano'y kasing kulay
Ng iba't ibang uring mukha
Ng mga suot, awit at sayaw
At watawat ng bawat bansa
At ito ay hindi panaginip lang
Kung tayo'y magkaisang tinig
Kung ikaw at ako ay magtutulungang
Pandayin ang bagong daigdig
Ang bundok ay handang akyatin...
Isang araw ay liliparin
Isang araw ay bubuwagin
Ang matataas na pader
Ng aking eroplanong papel
4. Mabuti Pa Sila
Mabuti pa ang mga surot, laging mayrong masisiksikan
Mabuti pa ang bubble gum, laging mayrong didikitan
Mabuti pa ang salamin, laging mayrong tumitingin
Di tulad kong laging walang pumapansin
Mabuti pa ang mga lapis, sinusulatan ang papel
At mas mapalad ang kamatis, maya't maya napipisil
Napakaswerte ng bayong, hawak ng aleng maganda
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa
Ano ba'ng wala ako na mayron sila
Di man lang makaisa habang iba'y dala-dalwa
Pigilan n'yo akong magpatiwakal
Mabuti pa ang galunggong nasasabihan ng 'mahal'
Kahit ang suka ay may toyo at ang asin may paminta
Mabuti pa ang lumang dyaryo at yakap-yakap ang isda
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa
Mabuti pa ang simpleng tissue at laging nahahalikan
Mabuti pa ang mga bisyo, umaasang babalikan
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa
(Interlude)
Pigilan n'yo akong magpatiwakal
Bakit si Gabby Concepcion lagi na lang kinakasal
Mabuti pa ang mga isnatser, palaging may naghahabol
Ang aking luma na computer, mayron pa ring compatible
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa
5. Address
Kung ika'y may reklamo sa ating mga batas
Na hindi makatao at ang turing di patas
Huwag kang mag-atubili na sumulat sa Congress
Tiyakin mo lang hane na tama ang iyong address
Ang address ng Kongreso ay hindi sa Batasan
Kung gusto nyong diretso ang inyong mga liham
To Our Brilliant Lawmakers, Corporation ng Angkan
c/o Chamber of Commerce, Makati, Philippines 2000
Kung iba'ng ginagawa at iba'ng sinasabi
Ni Commissioner Ngawa at ni Praise Secretary
Kaagad ipaalam sa ating Presidente
Basta kumpletuhin lang ang isulat sa sobre
Ang address ng Pangulo ay hindi Malacañang
Kung gusto niyong diretso ang inyong mga liham
To The Leader of the Land, c/o IMF-World Bank
U.N. corner Nagtahan, Manila, Philippines 2000
Kung mayaman na tao at kilalang kriminal
Ay ginagawang santo, tinuturing na banal
Sa korte sumulat ka ngunit konting ingat lang
Baka mauna ka pa kaysa doon sa iyong liham
Ang address ng Husgado pareho lang sa Simbahan
Kung gusto nyong diretso ang inyong mga liham
To The Holy Trinity, Praise Da Lord, Thy Will Be Done
Camp Crame, Quezon City, zip code Philippines 2000
Bago tayo magwakas, may extrang public service
Sila na ang nagbubukas ng sulat sa post office
Ugaliing mag-zipcode, singbilis ng time machine
Pebrero nang ihulog, Enero nang dumating
Ito ay katuwaan lang, katuwaang totoo
Kung iniisip nyo pang lumiham sa gobyerno
Basta't ang mahalaga'y huwag tularan si Isko
Habang nasusunog ang bahay, sumulat sa bombero
6. Akala Ko
Akala ko, akala ko
Akala ko, akala ko
Akala ko, akala ko
Akala ko, akala ko
Akala ko, akala ko
Ako'y kaibigan mo
Ang sabi sa akin ng aking nanay
Ang aso ay kaibigang tunay
Ngunit bakit mo ako hinabol
Ang lakas-lakas pa ng iyong tahol
Akala ko, akala ko...
Ang sabi sa akin ng aking ate
Ang langgam ay hayop na mabuti
Ngunit bakit mo ako ginulat
Ang sakit-sakit pa ng iyong kagat
Akala ko, akala ko...
Ang sabi sa akin ng aking guro
Ang higad ay singbait ng puno
Ngunit bakit mo ako dinapuan
Nagkapantal-pantal ang aking katawan
Akala ko, akala ko...
Akala ko, akala ko...
7. Ang Aking Kubo
Ang aking kubo sa tabindagat
Dingding ay pawid, bubong ay nipa
Sa palibot may mga halaman
At bakod na gawang kawayan
Gayak ng kubo ay kalikasan
Ang kabukiran, ang buwan at bituin
Pinapayungan ng punongkahoy
Iniihipan ng sariwang hangin
Sa aking kubo'y may paralumang
Sa aking puso'y nakalarawan
At sa pagtulog ay mayrong rosas
Na niyayakap ko't hinahagkan
Ang aking kubo'y dalampasigang
Sa along tulad ko'y inaasam-asam
Kubong kailanma'y di ko ipagpapalit
Sa isang palasyong walang pag-ibig
Ganyan ang kubo, ganyan ang buhay
Minsa'y tatawa ka, minsa'y malulumbay
May pagdiriwang, may kalungkutan
Laging nanunukso (nangungutya) ang kapalaran
May mga sandaling mistulang (akala mo'y) langit
Ngunit paggising pala'y panaginip
Kaya kailangang sa gabi't araw
Didiligin ang kubo ng pag-ibig
Sa aking kubo tuwing takipsilim
Lumang gitara'y aking kapiling
Mga awiting di malilimutan
Mga harana at mga kundiman
Ang aking kubong pangkaraniwan
Di man kastilyo ngunit paraiso
Kahit na mukhang bahaybahayan
Ang aking kubo'y isang tahanan
Ganyan ang kubo...
Sa aking kubo'y may paralumang...
Kubong kaylanma'y di ko ipagpapalit
Sa isang palasyong walang pag-ibig
8. Ang Butil ng Pag ibig
Tatlong magkakaibigan ang sa gubat napasyal
Magsasaka, mangangaral at mangangalakal
Doo'y may ermitanyong nasalubong nila
May tatlong kumikislap na butil na dala
Butil ng pag-ibig, wika ng matanda
Ay ipamahagi palagi sa kapwa
Ang mamamg negosyante, inuwi sa kanila
Ang butil ng pag-ibig binigyan ng halaga
Sa hapag ng mamahalin at babasaging kristal
Nilapag at itinuring na panauhing pandangal
Ngunit kahit na ang butil ay panatag sa silid
Ay nanatiling butil ang butil ng pag-ibig
Butil ng pag-ibig, wika ng matanda
Ay ipamahagi palagi sa kapwa
Ang magiting na guro, kanyang isinapuso
Ang butil ng pag-ibig itinuring na ginto
Nilukuban ng talino ng maingat na pantas
Sa sisidlang kumikinang ng pilak na kwintas
Ngunit kahit na ang butil ay panatag sa dibdib
Ay nanatiling butil ang butil ng pag-ibig
Butil ng pag-ibig, wika ng matanda
Ay ipamahagi palagi sa kapwa
Ang masinop na magbubukid, isinalin sa paso
Ang butil ng pag-ibig inalay sa mundo
At sa lupa na sa sipag at tiyaga ay binungkal
Sa bakuran ng katuwiran na hindi nabubuwal
Sa palibot na payapa hinasik at dinilig
Sumibol at namunga ang butil ng pag-ibig
At sa lupa na sa sipag at tiyaga ay binungkal
Sa bakuran ng katuwiran na hindi nabubuwal
Sa palibot na payapa hinasik at dinilig
Sumibol at namunga, namunga ng kalinga,
Tiwala at pag-asa ang butil ng pag-ibig
9. A Pair of Voices
Just a pair of voices
Of daughters and of sons
Listen to the voices
Of the little ones
We can mend the broken pieces
Of a long lost pride
With a pair of voices on their side
Just a pair of voices
Of women and of men
Of blacks and whites and races
of all shades in between
Just a pair of voices
That say goodbye to slavery
And make the kinds of choices
That make history
With the voice of freedom
We shall find the way to peace
And the needed wisdom
For all the wars to cease
We can have what's ours
And not on bended knees
No more superpowers or colonies
Just a pair of voices
Of women and of men
Of blacks and whites and races
of all shades in between
Just a pair of voices
That say goodbye to slavery
And make the kinds of choices
That change history
And as the earth rejoices
As all of us are free
As we take the chances
Change the circumstances
With a pair of voices
As in you and me
10. Bahay
Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan
Labinglimang mag-anak ang duo'y nagsiksikan
Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira
Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira
Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong
Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato
Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito
Ay bahay
Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata
Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta
Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman
At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam
Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko
At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo
Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito
Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito
Ay bahay
Maghapo't magdamag silang kakayod, kakahig
Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig
Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay
Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay
Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw
Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw
Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya
Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha
Ay bahay
11. Balon
Malimit mong tinatanong sa akin
Ang tunay na sanhi at solusyon
Ng buhay na pinahihirap natin
Bakit nagkaganito, bakit nagkakaganun
Ulit lang ng ulit lang ng ulit habangpanahon
Huwag kang tumingala sa alapaap
Ang ulap ay hindi panginoon
Huwag mong sisirin ang lalim ng dagat
Ang tubig na maalat ay di tagaroon
Daluy lang ng daluy lang ng daloy habangpanahon
Sa balon, sa balon, sa balon ay naroon
Naroon, naroon, naroon lang ang tugon
Ang tugon, ang tugon, ang tugon sa iyong tanong
Ay naroon, naroon sa balon
May bago nga ba sa mundong ibabaw
Kung ang nandoon ay dati nang nandoon
Sisikat din at lulubog ang araw
At di mo maipangaw ang duyan ng taon
Inog lang ng inog lang ng inog habangpanahon
Ang ating karununga'y nakatali
Sa hangin at buhanging ilusyon
At ang dinami-daming mga lahi
Sistema at ugali, kultura't tradisyon
Salin lang ng salin lang ng salin habangpanahon
Sa balon, sa balon...
Malimit mong tinatanong sa akin
Ang tunay na sanhi at solusyon
Ang tao ay mahirap unawain
Sinasagot nila ang di mo tinatanong
Ikut lang ng ikut lang ng ikot habangpanahon
Sino ba ang dapat na sisihin
Sino ba ang nasa posisyon
Patulan mo ang ibig kong sabihin
Kung may ibig sabihin, ito'y isang pasyon
Ulit lang ng ulit lang ng ulit habangpanahon
12. Consuelo
Sa maghapong kayod kalabaw
Pagod na pagod ka't uhaw na uhaw
Ang lakas mo'y ubos na ubos
At sahod ay laging kapos na kapos
Kailangan mo ng konswelo,
Konswelo, konswelo pagdating ng gabi
Kailangang makipagkwentuhan,
Huntahan sa tindahan diyan sa tabi
Sa ilalim ng mga bituin
Pantulak na awit, pulutang usapin
Sa tindahang munti ni Anding
Tambayan ni Cosme at Kapitan Fermin
Kailangan mo ng konswelo
Konswelo, konswelo pagdating ng gabi
Kailangang makipagkantahan,
Alaskahan sa tindahan diyan sa tabi
Pag nadadaig na ng antok
Ang kati at kirot ng kagat ng lamok
Tumatalab na ang bawat lagok
At nanunuot sa dibdib ang lungkot
Kailangan kita O Consuelo
Consuelo, Consuelo sa lamig ng gabi
Kailangan ko ng kalamay,
Karamay sa tinapay at mainit na kape
13. Dam
Sa ngalan ng huwad na kaunlaran
Ang bayan ko'y sa utang nadiin
At ito na ang kabayaran
Ang kanunu-nunuang lupain
Ang mga eksperto'y nagsasaya
At nagpupuri at sumasamba
Sa wangis ng diyus-diyosan nila
Ang dambuhalang dam
Damdam damdam damda dadam
Damdam damdam damda dadam
Damdam damdam damda dadam
Ang dambuhalang dam
Ang mga tribu'y nagtatatangis
Nananaghoy at nababaliw
Habang ang mga turistang mababangis
Nalilibang at naaaliw
Sa mga pulubing nagsasayaw
Mga katutubo ng Apayao
Na napaalis kahit umayaw
Alang-alang sa dam
Damdam damdam...
Titigan ninyo ang gahiganteng bato
Nagsasalarawan ng lipunang ito
Tulad ng mga gumawa rin nito
Walang pakiramdam
14. Dito Na
Dito na, dito na...
Dito na napalapit ang puso
Buhat nang minsan ay mapasyal
At sa nayong dati ay kaylayo
Dito na ako magtatagal
Sa haplos ng hangin mong amihan
At busilak na mga bukal
Ang sarapsarap na manirahan
Sa dampa ng iyong pagmamahal
Dito na rin magsisikhay
Dito na rin maghahasik
At kung sakaling maglalakbay
Dito at dito rin babalik
At ang damdaming nakapinid
Dito na rin maaantig
At mananahan dito sa iyong dibdib
Dito na pati ang mga labi
Ay natuto na magpahayag
At ngayon ko lamang nasasabi
Sa aking pinakaliliyag
Ang nilalaman nitong damdamin
Na laman ng bawat kong dasal
Na pag-ibig ko ay pagpalain
Sa dampa ng iyong pagmamahal
(Interlude)
At ang damdaming nakapinid
Dito na rin maaantig
At mananahan dito sa iyong dibdib
Ang nilalaman nitong damdamin
Na laman ng bawat kong dasal
Na pag-ibig ko ay pagpalain
Dito na, dito na, dito na, dito na
Dito na, dito, dito, dito na
Sa dampa ng iyong pagmamahal
Dito na, dito na...
15. Dugay Na
Dugay, dugay na, dugay na, dugay na
Dugay, dugay na, dugay dugay na
Kailan mo huling dinalaw
Ang munting dalampasigan
At sa bukid na awaaw
Kailan ka huling tumahan
Langhapin ang mga dahon
At hipuin ang halaman
At dinggin ang mga ibon
At hangi'y hagkan
Dugay, dugay na, dugay na, dugay na
Dugay, dugay na, dugay dugay na
Kailan mo huling binati
Ang mga mahal sa buhay
Kailan pa huling ang labi
Ay nangusap ng makulay
Kailan pa namumutawi
Sa pag-ibig at kalinga
Kailan mo huling sinabi
Ang mahal kita
Dugay, dugay na, dugay na, dugay na
Dugay, dugay na, dugay dugay na
Kailan ka huling tumawa
At ang puso'y hinayaang
Makisalo at mahawa
At makikipagdiriwang
Kailan ka huling lumuha
Sa iyong mga kaibigan
At nanalig, nagtiwala
Sa nararamdaman
Dugay, dugay na, dugay na, dugay na
Dugay, dugay na, dugay dugay na
16. Gayahin Mo
Ako'y ibong malaya
Malayang maglakad
Sa gubat na payapa
Matayog ang lipad
Gahayin mo'ng aking galaw
Gayahin mo'ng aking sayaw
Isipin mong ako'y parang ikaw
Gayahin mo'ng aking galaw
Gayahin mo'ng aking sayaw
Isipin mong ako'y parang ikaw
Ako'y punong matayog
Dahil laging busog
Laging puno ng ibon
Sangang malulusog
Gayahin mo'ng aking galaw...
Ako'y lawang malinis
Lahat lumalago
Ang ilog at ang batis
Ay aking kalaro
Gayahin mo'ng aking galaw...
Kaibigan ko ang tutubi
Kaibigan ko ang butiki
Pati gamu-gamo't mga langgam
Kaibigan ko ang bulaklak
Kaibigan ko ang kulisap
Pati salaginto't salagubang
Gayahin mo'ng aking galaw...
Gayahin mo'ng aking galaw
Gayahin mo'ng aking sayaw
Isipin mong ako'y parang ikaw
Gayahin mo'ng aking galaw
Gayahin mo'ng aking sayaw
Isipin mo'ng ako'y parang
Isipin mo'ng ako'y parang
Isipin mo'na ako'y parang ikaw
17. Go-Ngo Once Upon A Tune
Dahil gobyerno ang nagpasimula
Imbes mapabuti lalong lumala
Minsa'y iniisip ko, ano kaya
Mas mabuting may gobyerno o wala
Halalan ay kay mahal
Kung nais mong mahalal
Isama sa application
Alyas Vilma, Nora at Sharon
Bahay kubo nang tumakbo
Ay naging palasyo nang nakaupo
Inom at sugal, sigarilyo't babae
Libreng personal na grocery
Bahay tubo, Malakanyang
Ang negosyo roon ay sarisari
Experts, consultants, advisers at media
Sa palibotlibot ay maraming tanga
Sampung mga daliri, panay malilikot
Nangangalabit, nandidikta at nangungurakot
Madudungis na ngipin ng pulitiko
Luho, bisyo, pati tinga pera ng publiko
Kandidatong bobo, lumipad sa langit
Di ko na nakita buhat nang ma-elect
Sayang ang boto kong mura lang ang benta
Nag-enjoy pa sana doon sa artista
My nephew, my niece, my brother and sis
My nephew, my niece, my brother and sis
My nephew, my niece, my brother and sis
Are all political appointees
Doon po sa amin, libreng pagamutan
Alay ni Congressman sa may kapansanan
Nabingi ang bulag, nabulag ang pipi
Napipi ang pilay, napilay ang bingi
Waldas na hands, gastos left and right
Public servant na very bright
Cheat them softly, one two three
Na-wantutri ang botante
Dollar, dollar how I squander
From one country to another
Travel here, travel there
With my relatives and my dear
Kapag ang taongbayan
Ay may problema
Dalawang tenga, dalawang mata
Laging nakasara
Walang kahiraphirap
Kamay at paa
Dilang maliit nagsasabing
Ganda ng rekord niya
***
Dahil NGO ang nagpasimula
Ang mga reports nagkawalawala
Pagkatapos ng isang buong taon
Paplanuhin ang naplano na noon
Magmiting ay di biro
Maghapong nakaupo
Pupusta ako ng sampu
Mas marami ang bangku
Kung kailan nagmimiting
Ay saka kumakain
Kung kailan kumakain
Ay saka nagmimiting
Napadpad kung saan
Di dapat pag-usapan
Napagkasunduan
Na magmiting na naman
One hour, two hours nang nang-iindyan
Four hours, five hours nang nang-iindyan
Seven hours, eight hours nang nang-iindyan
Natrapik na naman
(kasi may rally, pare...)
Nagrally sa Mendiola
Sanlibo ang magpunta
Nag magtalumpati na
Sasampu ang natira
Nagrally, nagrally
Ang iba't ibang bloke
Ang isyu ng rally
Sino ang mas marami
Paano linawin, paano susuriin
Paano lagumin, paano susulatin
Hirap himayin, kayhirap tumbukin
Pero magaling gumawa ng acronym
Gawa ng gawa ng proposal
Sanay na sanay sa refusal
Damidaming gusto, damidaming konsepto
Di pa nabuo ay mayron nang bago
There was a farmers' joint program
Apir ang dalawang grupo
GO-NGO, GO-NGO, GO-NGO
Nag disappear ang pondo
18. Gusto Ko ng Gulay
Gusto ko ng gulay
Gusto ko ng gulay
Gusto ko ng gulay
Sa araw at gabi
Gusto ko ng gulay
Gusto ko ng gulay ngunit
Mas gusto ko ng karne!
Binagoongan, siomai, bolabola
Paksiw, menudo, karekare, lechon
Sinampalukan, siopao, crispy pata
Lumpia, asado, sarciado, chicharon
Gusto ko ng gulay...
Sinigang, adobo, liempo, longganisa
Torta, tinola, inihaw, barbecue
Sisig, tocino, tapa, apritada
Prito, giniling, nilaga, igado
Gusto ko ng gulay...
Gusto ko rin ng mga pagkaing dagat
Tuna, tangigue, buntot, tiyan, panga
Basta sariwa at di sobra sa alat
Sugpo, alimango, talaba
Gusto ko ng gulay...
Gusto ko ng gulay...
Gusto ko ng gulay
Gusto ko ng gulay
Gusto ko ng gulay
Sa araw at gabi
Gusto ko ng gulay ngunit
Mas gusto ko ng karne
19. Habangpanahon
Hanggang kailan ako magsasayaw
Hanggang kailan ako mangungulit
Hanggang kailan ako mangangantiyaw
Hanggang kailan maging paslit
Habangpanahon, habangpanahon
Habangpanahon, habangpanahon
Habangpanahon
Hanggang kailan ako maglalaro
Hanggang kailan ako mananadya
Hanggang kailan ako manunukso
Hanggang kailan maging bata
Habangpanahon...
Hanggang kailan ako magtatanong
Hanggang kailan ito magtatapos
Hanggang kailan ako magsusumbong
Hanggang kailan maging musmos
Habangbuhay, habangbuhay, habangpanahon
Habangbuhay, habangbuhay, habangpanahon
Habangbuhay, habangbuhay, habangpanahon
Habangbuhay, habangbuhay, habangpanahon
Hanggang kailan ako magkakanta
Hanggang kailan ito magtatagal
Hanggang kailan ako magpipinta
Hanggang kailan magmamahal
Habangpanahon...
Habangpanahon, habangpanahon
Habangpanahon, habangpanahon
20. Halik sa Bisaya
Minsa'y may nagtanong at walang nakaimik
Ang kanyang tinanong ay ano raw ang halik sa Bisaya
Ang alam ng isa Bikolano at Mangyan
Ang alam ng iba Ilokano, Ibatan at Ifugao
May alam sa Hapon, sa Arabo at Intsik
Ngunit si matunton kung ano ba ang halik sa Bisaya
Napasubo tuloy ang mahilig magyabang
Kakukuwentong ako'y may dating sinisintang taga-Dabaw
Ako'y napainom, di agad nakaimik
Nang ako'y tinanong kung ano ba ang halik sa Bisaya
Alam ko ang kulog, ang kwadrado at bilog
Ang gising, ang tulog, ang lamog at ang hinog at ang hilaw
Matagaltagal nang di ako nakabalik
Ang masabi ko lang kung ano man ang halik sa Bisaya
Sigurado akong kung mayrong pananabik
Gaya ng sa Luzon masarap din ang halik sa Mindanao
Depende sa humahalik, depende sa hahalikan...
(Repeat)
E, ano ba ang halik sa Bisaya?
Lami pud...
21. Hanggang
Hanggang sa muling pagsasama
Hanggang sa lunting panahon
Ang puno'y muling mamumunga
At mapupuno ang balon
Minsan pang sisikat ang araw
At ang palaya'y didilaw
Hahawi ang ulap sa ating pangarap
At bukas ay matatanaw
(Repeat)
Hahawi ang ulap sa ating pangarap
At bukas ay matatanaw
At bukas ay matatanaw
At bukas ay matatanaw
22. Hanggang Saan, Hanggang Kailan
Sa isang yugto, ang rosas ay
Matutuyo, mamamatay
Katulad ng marami nang sumpaan
Sa isang puwang ng hininga
Nagbago ang isa't isa
May aalis at may isang iiwan
Tayo kaya ay magtatagal
O sing-ikli ng isang kanta
Gaano kaya kung magmahal
Hanggang kailan, hanggang saan sinta
Sa isang iglap magbabalik
Sa isang sulyap, sa isang halik
Maya-maya ay minsan pang lilisan
Minsang sumpa'y nakakalas
At sugat ay dumadalas
Paano pa, paano lulunasan
Tayo kaya, mangangako pa
Kung ang tamis di na madama
Dapat kaya, dapat pa ba
Hanggang kailan, hanggang saan sinta
Hangga't buo pa ang daigdig
At puso ko ay may pintig
Hangga't mayrong saysay ang kasaysayan
Ang tagginaw at tagtuyot
Ang tagpanglaw at taglungkot
Sa piling mo'y aking makakayanan
Hanggang tilas ay magbagong-anyo
Hanggang sila'y maging paruparo
Giliw sana'y pag-ibig mo
Katulad ng pag-ibig ko sa iyo
Hanggang ako't ika'y naririto
23. Hayaan Mo Ako
Hayaan mo akong humayo at mangalap
Umani nang umani ng karanasan
Hayaan mo akong magsilang at mangarap
Mag-ipon nang mag-ipon ng kaarawan
Hayaan mo akong...
Tumandang kasabay ang mga puno
Tumanda sa ugma ng alon
Tumanda ang isipan at puso
Tumanda't mahinog sa panahon
Hayaan mo akong dinggin ang mga awit
At mga tula ng buong mundo
Hayaan mo akong dumanas ng pag-ibig
Ng pagwawagi at ng pagkabigo
Hayaan mo akong...
Tumanda't maglinang ng pag-asa
Tumandang hindi nag-iisa
Tumanda't matutong makibaka
At makikipamuhay sa iba
Hayaan mo, hayaan mo ako
Hayaan mo, hayaan mo ako
Hayaan mo, hayaan mo ako
Hayaan mo...
Hayaan mo akong subukin at subukan
Upang lutasin ang mga bugtong
Hayaan mo akong hanapin at hanapan
Upang tuklasin ang mga tanong
Hayaan mo, hayaan mo ako
Hayaan mo, hayaan mo ako
Hayaan mo, hayaan mo ako
Hayaan mong...
Tumandang kasabay ang mga puno
Tumanda sa ugma ng alon
Tumanda ang isipan at puso
Tumanda't mahinog sa panahon
24. Holdap
Minsang ako ay nag-agahan doon sa bandang Nagtahan
Nang mayrong nagkagulo sa isang tambayan
At ang usap-usapan ay tungkol sa isang holdapan
Sa isang pampasaherong sasakyan
Nang aking nilapitan, tamangtamang naabutan
Ang isa sa biktimang nagsalaysay
At ang bukambibig niyaong mamang nanginginig
Salamat daw at siya'y naiwan pang buhay
Nanakawan na at naholdap si Juan
Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Ngunit ang nagnakaw pa ang pinararangalan
Isang kinsenang kayod, ang pinagpawisang sahod
Ay nahulog sa kamay ng magnanakaw
Pati yung estudyante at aleng mukhang pasyente
At lolong halos di na makagalaw
Relo, singsing at hikaw, pati ngiping natutunaw
Sinimut nuong disenteng lalake
Mabuti na lang daw at mabait yaong mamaw
Sila'y inabutan pa ng pamasahe
Nanakawan na at naholdap si Juan
Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Ngunit ang nagnakaw pa ang kandidato sa halalan
Ngunit minsa'y namukhaan nitong kawawang si Juan
Ang holdaper kanya palang kapitbahay
Malimit mag-abuloy ng abubot at borloloy
Sa tuwing may okasyong pambarangay
Siya ay kwelangkwela sa simbahan at eskwela
Bida kay bishop, kay judge at kapitan
Tauntaon pati ay may medalya at plake
Ang magiting at dakilang kawatan
Nanakawan na at naholdap si Juan
Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Ngunit ang nagnakaw pa ang nananalo sa halalan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
At lalong mababaon dahil sa Philippines 2000
25. Huling Hiling
Minsang ako ay nag-agahan doon sa bandang Nagtahan
Nang mayrong nagkagulo sa isang tambayan
At ang usap-usapan ay tungkol sa isang holdapan
Sa isang pampasaherong sasakyan
Nang aking nilapitan, tamangtamang naabutan
Ang isa sa biktimang nagsalaysay
At ang bukambibig niyaong mamang nanginginig
Salamat daw at siya'y naiwan pang buhay
Nanakawan na at naholdap si Juan
Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Ngunit ang nagnakaw pa ang pinararangalan
Isang kinsenang kayod, ang pinagpawisang sahod
Ay nahulog sa kamay ng magnanakaw
Pati yung estudyante at aleng mukhang pasyente
At lolong halos di na makagalaw
Relo, singsing at hikaw, pati ngiping natutunaw
Sinimut nuong disenteng lalake
Mabuti na lang daw at mabait yaong mamaw
Sila'y inabutan pa ng pamasahe
Nanakawan na at naholdap si Juan
Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Ngunit ang nagnakaw pa ang kandidato sa halalan
Ngunit minsa'y namukhaan nitong kawawang si Juan
Ang holdaper kanya palang kapitbahay
Malimit mag-abuloy ng abubot at borloloy
Sa tuwing may okasyong pambarangay
Siya ay kwelangkwela sa simbahan at eskwela
Bida kay bishop, kay judge at kapitan
Tauntaon pati ay may medalya at plake
Ang magiting at dakilang kawatan
Nanakawan na at naholdap si Juan
Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Ngunit ang nagnakaw pa ang nananalo sa halalan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
At lalong mababaon dahil sa Philippines 2000
26. Huwag Kang Malikot
Kung ayaw mong tayo'y tumaob
Huwag kang malikot, huwag kang malikot
Kung ayaw mong tayo'y lumubog
Huwag kang malikot, huwag kang malikot
Kung ayaw mong tayo ay mahulog
Kung ayaw mong tayo ay malunod
Huwag kang malikot, huwag kang malikot
Bakit di ko mapigil ang aking sarili
Bakit di ko mapigil ang aking kamay
Bakit di ko mapigil ang aking daliri
Bakit parang ito'y may sariling buhay
Kung ayaw mong tayo'y mabangga
Huwag kang malikot, huwag kang malikot
Kung ayaw mong tayo'y mapisa
Huwag kang malikot, huwag kang malikot
Kung ayaw mong tayo'y mabalian
Kung ayaw mong tayo'y mapilayan
Huwag kang malikot, huwag kang malikot
Bakit di ko mapigil ang aking damdamin
Bakit di ko mapigil ang aking mata
Bakit di ko mapigil ang aking ngipin
Bewang, tuhod, balikat, siko't paa
Kung ayaw mong tayo'y maligaw
Huwag kang malikot, huwag kang malikot
Kung ayaw mong tayo'y matuklaw
Huwag kang malikot, huwag kang malikot
Kung ayaw mong tayo'y mabitawan
Kung ayaw mong tayo'y maiwanan
Huwag kang malikot, huwag kang malikot
Laging sabi sa akin ng aking tatay
Ako raw ay manang-mana sa aking ina
Laging sabi sa akin ng aking nanay
Ako raw ay manang-mana sa aking ama
Kung ayaw mong tayo'y sumaya
Huwag kang malikot, huwag kang malikot
Kung ayaw mong tayo'y sumigla
Huwag kang malikot, huwag kang malikot
Kung ayaw mong tayo ay tumawa
Kung ayaw mong tayo ay mahawa
Huwag kang malikot, huwag kang malikot
27. Iisa
Minsa'y nasanay na nang nasanay
Sa konting konswelong aliw
Sa dinamidaming pasikutsikot ng buhay
Napakadaling mabaliw
Kung ikaw ay nanlalamig
Ako ay nakikinig at nakakaintindi
At sa hibang na daigdig
Ay mayron kang kakampi
Ang pangarap mo'y pangarap ko
Ang pasanin mo'y pasanin ko
Ang damdamin mo'y damdamin ko sinta
Ang kalayaan mo'y kalayaan ko
Ang digmaan mo'y digmaan ko
Ang buhay mo at buhay ko'y iisa
At kung ang karamihan ng buhay
Pakikipagsapalaran
Nakataya ang pag-ibig kong tunay
Sa lahat ng labanan
Kahit ano'ng daratnan
Hindi pagsisisihan, ako ay naririto
Sa kadulu-duluhan
Handang sumama sa iyo
Ang pangarap mo'y pangarap ko...
Ang pangarap mo'y pangarap ko...
Buhay mo at buhay ko'y iisa
28. Kababaihan
Mula sa umpisa ang buhay ko'y nakasalalay
Sa wika ni ama at mga lalake ng aking buhay
Ano ang dahilan, paano at kailan, ano'ng sanhi?
Sabi ni inay, dahil kami ay
Nagkataong isinilang na babae
Huling dinidinig at unang pinagsasabihan
Ang aking daigdig ay daigdig ng kalalakihan
At ang aking silbi sa araw at gabi'y palamuti
Tahimik sa tabi, dahil lang kasi
Nagkataong isinilang na babae
Unang nagigising at huli ng natutulog
Habang unti-unting pagkatao'y nadudurog
Di katakataka, sa tahana't pabrika ako'y api
Sabi nga nila, dahil lang pala
Nagkataong isinilang na babae
Hindi ko matanggap na dahil dito na nasanay
Ang aking hinaharap ay ganito na habangbuhay
Isip at diwa, puso't kaluluwa ay pumipiglas
Gaya ng bukal na di masasakal
Dadaluy at dadaloy ang kalayaan
Kasama ng iba, unti-unti kong natutuhan
Ang aking halaga at likas na kapangyarihan
May kasarinlan, may kakayaha't kakanyahan
Bahagi ng buo kung saan patutungo
Ang kasaysayan ng sangkatauhan
Ako'y samahan n'yo sa aking pakikibaka
Sa paglaya ko kayo ay aking kasama
Dangal ko ay taglay kung saan pantaypantay
ang kalagyan
Ating itindig sa bagong daigdig
Ang kalayaan ng kababaihan
29. Kahit Ako’y Mahirap Lang
Kahit ako'y mahirap lang
At ikaw ay mayaman
Kung may pagmamahalan
May paraan
Kahit ako'y isang dukha
At ikaw ay marangya
Magsakripisyo't magtiyaga
Ako ay handa
Magtyatyaga ako sa aircon
At titira sa iyong mansyon
Nakahiga sa buong maghapon
Kahit ayoko ng ganun
Aaa, aaa...
Bagong damit, bagong relo
Bagong gupit linggo-linggo
Lahat ay pipilitin ko
Para sa iyo
Mag-ballroom dancing at mag-disco
Mag-drive ng BMW
Lahat ay kakayanin ko
Para sa iyo
Magtyatyaga ako sa Hongkong
Kung gusto mong magbakasyon
Magtitiis ako sa London
Kahit na ayaw ko doon
Aaa, aaa...
30. Kahit Konti
Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti
Hatihati dahil masyadong masikip ang upuan
At kung iyong kausapin, ako nama'y hindi maselan
At payag matabihan, umusog lang, umusog ng konti
Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti
Madadaan sa usapan ang maaring pag-awayan
Sakali mang mayron kang napapansin, sabihin lang
At kung makatuwiran ako'y uusog din kahit konti
Hindi naman buong-buo ang hinihiling ko sa iyo
Ngunit kahit kapiraso maaring magkasundo tayo
Iba't iba ang katuwiran ng tao sa lipunan
Ngunit ang kailangan lang tayo'y huwag magtulakan
O kayraming suliranin, oras-oras dumarating
Dahil di kayang lutasin hindi na rin pinapansin
Subalit kung tutuusin, iisa ang dahilan
Kaibigan, ayaw nilang umusog ng kahit konti
Hindi naman buong-buo...
O kayraming suliranin...
At kung iyong kausapin, ang kadalasang dahilan
Kaibigan, ayaw n'yo lang umusog ng kahit konti
31. Kanluran
Nag-aawitan ang mga magsasaka
Nagsasalitan ng tula at kanta
Naghihiyawan ang tagadalampasigan
Nagsasayawan ang mga mangingisda
Ang namamasukan sa mga pagawaan
Naglalabasan at sila'y tuwangtuwa
Palubog na, palubog na
Ang haring araw sa kanluran
Pauwi na, pauwi na
Ang haring lawin sa kanluran
Nagsasayahan ang mga may kapansanan
Kababaihan at mga mag-aaral
Ang mga kawal at alagad ng Sambahan
Ang makasining at mga makaagham
Ang mangangalakal, guro at lingkod ng bayan
Nagkakaisa sa iisang inaasam
Palubog na, palubog na...
Pauwi na sa kanila ang haring agila
Ang ibong mandirigma sa kanluran
32. Kapag Sinabi Ko sa Yo
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal
Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal
At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan
Daladala kahit saan, pang-araw-araw na pasan
Ako'y hindi romantiko, sa iyo'y di ko matitiyak
Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap, sana'y huwag mong ikalungkot
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta
Sana'y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan
Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan
Halina't ating pandayin isang malayang daigdig
Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo
Sana'y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo
33. Kasama
Siya'y aking kapiling sa kabiguan at tagumpay
Sa kanyang piling ako ay nahihimlay
Nakakaunawa sa aking pagkukulang
Nakakahawa ang kanyang kagandahan
Ngunit di lang siya kaibigan
Di lang siya kapatid
Di lang kasintahan o kaisangdibdib
Di lang siya asawa o inang uliran
Siya'y aking kasama sa mapagpalayang kilusan
Pinakaiibig, pinakamamahal
Sa aming pag-ibig ang lahat isusugal
Ang aming pangako hanggang kamatayan
Saanman dumako ang kasaysayan
Dahil di lang siya kaibigan...
Siya'y aking kasama sa pagpapalaya ng bayan
34. Kausap
Paroo't parito ang mga tao
Nakakalito, nakakahilo
Ang hinahanap ko ay kausap
Sa abalang mundo
May mayamang walang kaalam-alam
May mayabang, walang kalaman-laman
Ang hinahanap ko'y kakwentuhang
Kakwentuhan ako
Kwentuhan mo ako ng buhay
Sa nangungusap mong mga mata
Nang madarama ko ng tunay
Ang tunay mong nadarama
May mababaw na laging maiingay
May malalim, walang kabuhaybuhay
Ang hinahanap ko ay kausap sa abalang mundo
Ang hinahanap ko ay kausap ng puso sa puso
35. Kung Alam Mo Lang Violy
Wala nang trapik sa kalye
Efficient ang bureaucracy
Bumaba na ang poverty
Restored na ang democracy
Ang buhay natin nag-improve
Dahil ang GATT ay na-approve
Ang buhay natin gumanda
Dahil ang EVAT napasa
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy ang totoo
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy
Matagal ka na nilang niloloko
Dumadami ang may kotse
Dito sa university
Tumataas ang tuition fee
Bumababa ang quality
Forget na lang the land reform
Forget the debt moratorium
Forget na rin the behest loan
But don't forget the condom
Oy alam ko na Eddie
Oy alam ko na Eddie
Oy alam ko na Eddie ang totoo
Oy alam ko na Eddie
Oy alam ko na Eddie
Matagal mo na kaming niloloko
***
Tres mil na passport at ID
Tres mil sa visa't embassy
Tres mil na special placement fee
Singkwenta mil na pangkape
Kung alam mo lang Violy...
Si Violy ay inabuso
Ng malupit niyang amo
Si Violy ay nagkakaso
Pinagtanggol ng gobyerno
Natural, natalo
At napugutan ng ulo
Si Violy ay inilibing
Malaon nang nahihimbing
Si Violy ay huminlay na
Ngunit hinukayhukay pa
Kung alam mo lang Violy...
Gumaganda't umuusad
Daw ang ating economy
Dahil sa dami ng tulad
Na kwentong gaya kay Violy
Tuloy-tuloy ang pag-unlad
Ng ating movie industry
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy ang totoo
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang VIoly
Kayrami na nilang kinita sa iyo
36. Kung Ayaw Mo Na sa Akin
Kung ayaw mo na sa akin
Wala akong magagawa
Hindi mo na kakailanganing
Magdadalawang salita
Kung ayaw mo na sa akin
Sabihin lang ang totoo
Para minsanan na lang ding
Luluha ang puso ko
Datirati pag ako'y nagkwento
Pumupungay ang iyong mga mata
Ngayo'y kahit original ang jokes ko
Hinding-hindi ka na natatawa
Di na tayo nanonood ng sine
O kaya'y magpusoy-dos man lang
Noo'y gustunggusto mo laging maglibre
Ngayo'y di mo na ako pinauutang
Kung ayaw mo na sa akin...
Di mo na ako kinakausap
Di mo na ako inaakbayan
Namimiss ko na ang iyong mga yakap
Di mo na ako hinahalikan
Di ka na sumisipot sa usapan
Parang di mo na ako mahal
Di mo man lang yata nabalitaang
Kalalabas ko lang sa ospital
Kung ayaw mo na sa akin...
Nakita kita kahapon
May kaholding-hands ka pa
Gaya rin natin noon
Nag-uumapaw ang saya
Tila napaibig ka na rin
Sa matangkad mong kasama
Di mo na napapansing
Mas guwapo ako sinta
Ngunit, kung ayaw mo na sa akin...
Kung ayaw mo na sa akin
Masakit man ang totoo
Kung talagang ayaw mo na sa akin
Ayaw ko na rin sa iyo
37. Lahat
Ang nalalabing buhay dito sa daigdig
Ang siyang magpapatunay sa iyong maririnig
At ang tanging dalangin sana'y laging tapat
Anumang maging akin, yan ay iyong lahat
Lahat ng paano, lahat ng saan
Lahat ng gaano at ng kailan
Ang bawat bakit may pagkukulang
Ulan at init ma'y di hadlang
Sa pag-aalinlangan at pagiging tiyak
Sa pangangailangan at biyayang sapat
Pagbabakasakali minsa'y mabibigo
Ngunit mananatili, pagsinta'y lalago
Sa karamdaman at sa lakas
Hanggang sa paghinga'y magwawakas
Walang patakaran ang aking pagtanggap
Iniibig kitang ikaw lahat
38. Mabuti Pa Sila
Mabuti pa ang mga surot, laging mayrong masisiksikan
Mabuti pa ang bubble gum, laging mayrong didikitan
Mabuti pa ang salamin, laging mayrong tumitingin
Di tulad kong laging walang pumapansin
Mabuti pa ang mga lapis, sinusulatan ang papel
At mas mapalad ang kamatis, maya't maya napipisil
Napakaswerte ng bayong, hawak ng aleng maganda
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa
Ano ba'ng wala ako na mayron sila
Di man lang makaisa habang iba'y dala-dalwa
Pigilan n'yo akong magpatiwakal
Mabuti pa ang galunggong nasasabihan ng 'mahal'
Kahit ang suka ay may toyo at ang asin may paminta
Mabuti pa ang lumang dyaryo at yakap-yakap ang isda
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa
Mabuti pa ang simpleng tissue at laging nahahalikan
Mabuti pa ang mga bisyo, umaasang babalikan
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa
(Interlude)
Pigilan n'yo akong magpatiwakal
Bakit si Gabby Concepcion lagi na lang kinakasal
Mabuti pa ang mga isnatser, palaging may naghahabol
Ang aking luma na computer, mayron pa ring compatible
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa
39. Madaling Araw Na
Madaling-araw na, isip mo'y malalim-lalim
Kalagitnaan na ng liwanag at dilim
Bakit kailangan pang ika'y pumasok sa silid
Gayung yaong pinto'y matagal ng nakapinid
Sa iyong dibdib
Di mo makapa ang iyong nararamdaman
Hindi lungkot, hindi saya
Hindi bagot, hindi naman din balisa
Isipin mo na lang na lahat ng nilalang
Nahihimlay, nahihimbing
At nananaginip ng nag-iisa
Walang nagsusulat dahil walang nagbabasa
Walang bumabagsak dahil walang pumapasa
Sa bawat bagong iyong natutuklasan
Ika'y natututong kayrami-rami pa palang
Di mo alam
Di mo makapa ang iyong nararamdaman...
Sa babaw ng mundo, kung ibig mong magtampisaw
Maraming kasundo at kasabay sa iyong galaw
Ngunit ang wika, nagbabago'ng kahulugan
Sa dalas ng bigkas, unti-unting nawawalang
Kabuluhan.
40. Made for Japan
Ako ay musikerong biyaherong Japan
Tulad ng marami ring nangingibangbayan
Dahil sa saklap ng ating ekonomiya
Kailangan kong iwanan ang aking pamilya
Dahil ako ay karaniwang mamamayan
Ako ay suspetsado na sa embassy pa lang
Dami raw kasing nag-TNTing Pilipino
Hindi nila alam, sikat akong musikero
Ang aking gitara'y gawa ng Hapon
Ang aking capo, kurdon, kwerdas at microphone
Dahil kung gawang-Pinas ang iyong mabibili
Baka sa pagtugtog mo ikaw ay makuryente
Sa tulong ng ahensya ako ay nakalabas
Kahit kalahati ng kita ko'y nakaltas
At ang tangi kong sa inyo'y maibibida
Lahat ng bagay sa Japan pawang magaganda
Naroon ang ating magagandang sugpo
Naroon ang ating magagandang puno
Magagandang saging at magagandang pinya
Pati na ang ating magagandang Pilipina
Dahil sa lungkot ako'y hindi nakatagal
Dagliang umuwi sa bayan kong minamahal
Di pa man ako nakalabas sa terminal
Nadugas na ng isang naka-unipormeng opisyal
Nang buksan ko ang made in Japan kong TV
Nagtalumpati ang mahal na presidente
Siya'y tuwangtuwa sa maunlad na ugnayan
Ng ating bansa't mga bansang mayayaman
Kaya kung iikutin ang buong Pilipinas
Ang ating likasyama'y tuluyang naaagnas
Mula sa Appari, Jolo, hanggang sa Palawan
Sabaysabay tayong lahat: Mabuhay ang Japan!
41. Marketplace
Dayda dayday dadayday...
The words of the prophet were simple and plain
And yet to the learned he sounded insane
He asked for repentance from all who have sinned
Not a reed simply swayed by the wind
And when the Messiah's turn came to pass
The savior was cursed by the same petty class
They said John had a demon, he tasted no wine
And Christ was a glutton, with drunkards he dined
Dayda dayday dadayday...
Their lines were not cute nor their gestures or voice
They played with the flute but the crowd won't rejoice
The watchman had sounded their trumpets to warn
They chanted a dirge but the people didn't mourn
Dayda dayday dadayday...
In Jesus's tradition his followers preached
The world's destitution they touched and they reached
But six thousand years never changed it a bit
The old and the same marketplace
We're looking for miracles, wonders and signs
For a marvelous spectacle we fall in line
For silver and gold and fine raiment and fame
As though they were a prize in a spiritual game
Dayda dayday dadayday...
We're deaf and we're mute and we gave them no chance
They fiddled the flute but then nobody danced
They're true to their words and their pledges they kept
They sang in a dirge but nobody wept
Dayda dayday dadayday...
42. Matandang Musikero
Di pa uso noon ang hi-tech
At wala pang alternative music
Ngunit ang kanyang mga awit ay totoo
Sa mga kantang sinulat
Ay marami ang namulat
Kahit na ang karamiha'y di nagbago
Buhay pa rin ang musika sa kanyang gitara
Kahit na si Koyang Jess tumatanda na
Buhay pa rin ang pag-ibig sa sariling himig
Kailan lang siya'y nag-umpisa
Noo'y hindinghindi pupuwede
Musikerong hindi pogi
Ngunit naglakasloob siyang maiba
Sa taglay niyang katapangan
Ang iba ay nabuhayan
Kung kaya kami ngayo'y marami na
Buhay pa rin ang musika sa kanyang gitara
Kahit na si Heber ay tumatanda na
Buhay pa rin ang pag-ibig sa sariling himig
Kailan lang siya'y nag-umpisa
Ilang beses nang napahamak
Ilang beses nang napasabak
Sa lasing, pulis at budget na aruy
Ilang rally na ang naranasan
Ilang puwesto na ang nasubukan
Ilang konsyerto na ang di natuloy
Tuloy pa rin ang musika sa kanyang gitara
Kahit na si Pol Galang tumatanda na
Tuloy pa rin ang pag-ibig sa sariling himig
Kailan lang siya'y nag-umpisa
Ilang lyrics na ang nalimutan
Ilang sablay na sa tugtugan
Ilang kwerdas na kaya ang napatid
Mangyayari rin kaya sa akin
Ganun din kaya ang sasabihin
Ng mga nakababatang kapatid
Buhay pa rin ang musika sa kanyang gitara
Kahit na si Granada'y matanda na
Buhay pa rin ang pag-ibig sa sariling himig
Kailan lang siya'y nag-umpisa
Kailan lang siya'y nag-umpisa
Bakit ba mukha siyang bata pa
43. Nakikita Mo
Kagaya ng isang dula
Minsang ito'y umpisahan
Kung paanong mayrong simula
Ay mayron ding katapusan
Ang awit mang naririnig
Larawan bang namamasdan
Lahat ng bagay sa daigdig
Mayrong hangganan
Pangako ay naiiga
Huwag lang mangusap ng tapos
Dahil tayo'y nag-iiba
Lahat ng tao ay kapos
Kanikaniya tayong antas
Ngunit katulad ng hagdan
Kahit gaano kataas
Ay may hangganan
Ang iyong lakas ay may humpay
Huhulaw bawat halakhak
Sa salawahang tagumpay
Huhupa rin ang palakpak
Bakit ka ba patatangay
Patutuksong pag-abalhan
Ang bukas na hinihintay
Baka nga di mo pa datnan
Hangga't di mo natagpuan
Ang puno't dulo ng buhay
Lahat ay masasayang lang
Mawawalan din ng saysay
Hanapin mo ang Maylikha
Dahil siya ang kahulugan
Nagwikang siya ang simula
At ang hangganan
Ang iyong lakas ay may humpay...
Hangga't di mo natagpuan
Ang puno't dulo ng buhay
Lahat ay masasayang lang
Mawawalan din ng saysay
Hanapin mo ang Maykatha
At naroon ang kabuluhan
Nagwikang siya ang simula
At ang hangganan
44. Nasating mga Kamay
Nasating mga kamay, nasating mga kamay
Ang kinabuksan ay nasating mga kamay
Nasating mga kamay, nasating mga kamay
Ang pagpapasya'y nasating kamay
Wala sa gulong at guhit ng tadhana
Wala sa gitna, panganay at bunso
Wala rin sa swerte at wala sa tsamba
Tabi, tabi po, nuno sa punso
Nasating mga kamay...
Wala sa nunal, wala sa kapalaran
Bolang kristal at mga bituin
Wala sa baraha at wala sa bilang
Abrakadabra at anting-anting
Nasating mga kamay...
Nasa mga kamay na masigasig
Nasa mga kamay na matiyaga
Nasa mga kamay na masisipag
Nasa mga kamay na masigla
Nasa mga kamay na malikhain
Nasa mga kamay na maliksi
Nasa mga kamay na kumikilos
Nakasalalay ang minimithi
Nasating mga kamay...
Nasating mga kamay...
Nasating mga kamay!
45. Ngayong Gabi
Tayo'y nabubuhay sa daigdig na masagana
Kayraming mga bagay na bago't magaganda
Ngunit sa gitna ng ating kasaganahan
Kayraming mga taong lugmok sa kawalan
Sa isang tabi ng lansangan, sa munting kartong banig
Ay ilalapag ang batang matutulog sa lamig
Ngayong gabi, sampung bata ang papanaw sa daigdig
Dahil sa karamdaman, gutom at kawalan ng pag-ibig
Ngayon, higit kailanma'y ating nararanasan
Biyaya at pinsala ng kaunlaran
Ngunit sa gitna ng ating mga abala
Sana sa tuwina ating maalala
At sana bago tayo mahimbing
Sa ating mga dasal at panalangin...
Dinggin ang hinaing ng mga munting paslit
At itigil ang digmaan at pagmamalupit
Bawat sandali, sampung bata ang papanaw sa daigdig
Dahil sa karamdaman, gutom at kawalan ng pag-ibig
Ipagsabi sa bawat pusong handa na makinig
Hangga't ang katarungan ay di mananaig
Ngayong gabi, sampung bata ang papanaw sa daigdig
Dahil sa karamdaman, gutom at kawalan ng pag-ibig
Ngayong gabi, sampung bata ang papanaw sa daigdig
Dahil sa karamdaman, gutom at kawalan ng pag-ibig
46. O Kaysarap Mabuhay
O kaysarap mabuhay
Sa lupang hinirang
O kaydaling mabuhay
Dito sa ating bayan
Murangmura ang bilihin
Sweldo'y kaylaki
Ang lahat ang iyong naisin
Iyong mabibili
Murangmura ang kuryente
Sagana sa tubig
Ang gamot ay halos libre
Kaya ang bukambibig ko'y
O kaysarap mabuhay...
Hindi tumatanggap ng lagay
Ang mga pulis
Ang record ng ating militar
Kaylinislinis
Kaybilis pa ng serbisyo
Ng pamahalaan
Walang kaibi-kaibigan dito
Sa ating bayan, kaya
O kaysarap mabuhay...
Makikita n'yo sa TV
Mapapanood n'yo pa sa sine
Ang lahat ay nakangise
Ang bayang Pilipinas
Paunlad nang paunlad
Mababasa n'yo sa dyaryo
Maririnig n'yo pa sa radyo
Ang galing ng aming gobyerno
Ang bayang Pilipinas
Paunlad nang paunlad
47. Paalam Na
Kulang ang salita
Upang muling magsimula
Kulang ang dating himig
Upang buhaying muli
Ang ating pag-ibig
Sugat ay di maghihilom
Sa sandaa't 'sang taon
At ang hapdi'y singsariwa
Naghihilab maya'tmaya
Kulang ang karanasan
Upang ang buhay maintindihan
Kulang ang buong mundo
Upang alamin
Ang mga lihim ng puso
Kulang ang ating talino,
Tapang, galing at tiyaga
Upang gawing muling bago
Ang nabahirang sumpa
Kulang ang panahon
Sa isa pang pagkakataon
Paalam aking sinta
Huling paalam na dapat sana
Noon pa
48. Paano Mahalin ang Katulad Mo
Di ko maikakaila ang pag-aalala
Na sa tuwi-tuwina'y dala-dala
Nangangamba, nangangamba
Na baka mapahamak ka
Dapat sarilinin ko na lang
Kayrami-rami mong pasan-pasan
Baka lalo ka pang mabibigatan
Itatago ko ang aking kaba
At ikukubli ang pangangamba
Ngunit sa dilim
Ay napapansin mo ang takot ko
Ang dinadaing ko'y para sa iyo
Ang unti-unting matutunan ko
Paano mahalin
Paano mahalin ang katulad mo
Di ko maikakaila ang pag-aalala
Ngunit di ba mas mahalaga
Ang dinggin ka, intindihin ka
Samahan ka sa bawat pasya
Paano ba ako makakagaang
Paano ba ako makakatuwang
Paano kung ako ay nasasaktan
Itatago ko ang aking kaba
At ikukubli ang pangangamba
Ngunit sa dilim
Ay napapansin mo ang takot ko
Ang dinadaing ko'y para sa iyo
Paano ba ako makakagaang
Ang unti-unting matutunan ko
Paano ba ako makakatuwang
Paano mahalin
Paano mahalin ang katulad mo
(Interlude)
Paano mahalin
Paano mahalin ang katulad mo...
49. Pag ibig Lang
Ako ang dulo at ikaw ang umpisa
Dal'wa ang dako ng landas nating dal'wa
Ika'y apoy, ako ay tubig
Duda ko'y iyong pananalig
Ang tiyak sa iyo ay aking pangamba
Ako'y maghapon at ikaw ay magdamag
Ika'y matapang kung saan ako duwag
Ang iyong huli ay siya kong una
Madali mo'y di ko kaya
At ang aking sige ay siya mong huwag
At pag tayo'y nag-uusap
Parang lupa't alapaap
Nagtatalo ang sigaw at ang bulong
Sala sa ikli at haba
Parang timog at hilaga
Di mahuhulaan kung saan hahantong
Bakit hanggang ngayon tayo ay narito
At may kutob akong kapwa natin gusto
Paano mo maipaliwanag
Kung paano di natitinag
At pagkakaiba ay di naging hadlang
Dahil kaya pag magkasama'y masaya
May kaagapay o kaya
Baka naman pag-ibig lang
(Interlude)
Sala sa ikli at haba
Parang timog at hilaga
Di mahuhulaan kung saan hahantong
Bakit hanggang ngayon tayo ay narito
At may kutob akong kapwa natin gusto
Paano mo maipaliwanag
Kung paano di natitinag
At pagkakaiba ay di naging hadlang
Dahil kaya pag magkasama'y masaya
May kaagapay o kaya
Baka naman pag-ibig lang
50. Parang Kamukha
Nasan, nasan na kaya
Nasan na kaya ang bolpen ko
Nasan bolpen ko
Parang kamukha ng bolpen mo
Bakasakaling iyong makita
Ang aking bolpen na nawala
Bakasakaling iyong makita
Pakisauli mayamaya
Nasan, nasan na kaya
Nasan na kaya ang payong ko
Nasan payong ko
Parang kamukha ng payong mo
Bakasakaling iyong makita
Ang aking payong na nawala
Bakasakaling iyong makita
Pakisauli mayamaya
Nasan, nasan na kaya
Nasan na kaya ang T-shirt ko
Nasan T-shirt ko
Parang kamukha ng T-shirt mo
Bakasakaling iyong makita
Ang aking T-shirt na nawala
Bakasakaling iyong makita
Pakisauli mayamaya
Nasan, nasan na kaya
Nasan na kaya ang pusa ko
Nasan pusa ko
Parang kamukha ng pusa mo
Bakasakaling iyong makita
Ang aking pusa na nawala
Bakasakaling iyong makita
Pakisauli mayamaya
Nasan, nasan na kaya
Nasan na kaya ang tatay ko
Nasan tatay ko
Parang kamukha ng tatay mo
Kalbo!
51. Pedrong Pako
Si Pedro'y nakaapak ng pako sa lansangan
Pinulot niya't bakasakaling pakinabangan
At ang kinakalawang na pakong nabubulok
Sa bago niyang bahay ay duon ipinukpok
Isang kalbong gulong nakita niya sa kalsada
Kanyang isinuong sa jeepney niyang pampasada
Duo'y may nakaiwan ng lumang antipara
Kanyang isinuot sa malinaw niyang mata
Bagong bahay, lumang pako
Dating gimik na inibang-anyo
Bagong bote, lumang toyo
Ang laging sawsawan ni Pedro
Gulong ay umiskyerda at ang jeep ay nabangga
Dahil sa antipara ang poste di nakita
Pasahero'y huli na sa biyahe't nabukulan
Di pa nakarating sa dapat na puntahan
Si Pedro'y may kilalang kawatang pulitiko
Sa bawat halalan ay laging kandidato
Nabulag na si Pedro, napako pa ang tuktok
Pulitikong bulok sa pwesto iniluklok
Bagong bahay, lumang pako...
Nang dahil sa pako bahay ni Pedro'y bumagsak
Sa bulkan, bagyo, baha't lindol tuluyang nawarak
Giba na ang dingding, sahig, haligi't bubungan
Mabuti pa kaya, magbagongbahay na lang
52. Philippines 2000
Gutom ay huwag intindihin, sakit ay huwag indahin
Manalig ka sa gobyerno
Brown out, demolition, basura at inflation
Tiyaga at konti pang sakripisyo
Magtiis sa sahod, ilang taon na lang
Eto na ang NIChood, isang igkas na lang
Welcome to the future: Philippines 2000
Kailangang makautang, kailangan ng kuryente
Kailangan ng emergency powers
Outward-looking na agribusiness
World-class quality toys, handicrafts at cutflowers
Yes to land conversion, yes to strike ban
Yes to crop conversion, dollar earning yan
Welcome to the furure: Philippines 2000
Pagod na pagod na ang bayan
Hingal na hingal na ang bayan
Palaklakin ng lipovitan
Sundin natin ang utos ng dayo
Itaas na ang presyo ng krudo't langis
Kung ayaw ng tao, bawasan ang serbisyo
At dagdagan pa ang buwis
Industrialization ang pupuntahan
Militarization ang tanging daan
Welcome to the future: Philippines 2000
Hilunghilo na ang bayan
Litunglito na ang bayan
Kamusta kaya ang kilusan
Businesspeople, overseas workers
Media at entertainers, NGO at Simbahan
Peace talks, coop, nata de condom
Levy, lotto, remittance, basta pagkakitaan
Salubungin natin ang kaunlaran
Kahit buhay natin ang kabayaran
Welcome to the future: Philippines 2000
Salubungin natin ang kaunlaran
Kahit buhay natin ang kabayaran
Welcome to the future: Philippines 2000
53. Puhunan
Sa pamilihan ng lipunan, sarisarin'g paninda
May kanikaniyang puhunan: pera, utak at ganda
Ang ilan ay may pangalan, ang iba ay laway lang
May nagbabanalbanalan at mga manlilinlang
May namumuhunang pawis at hubad na katawan
Kahit pagod nila'y labis, sila'y hanggang doon na lang
Mas maigi ang may bahay at lupang paupahan
Kahit di maghanapbuhay, laging may laman ang tiyan
Ang negosyong magaling ay magbenta ng patay
Ngayo'y napakadaling humagilap ng bangkay
Dumating na sa sukdulan, buhay na'ng binubuwis
Inuutang sa pangalan ng ganansya't interes
Kung ang dulot ng sistema'y malaganap na lagim
Sa paggamit ng puhuna'y huwag nawa tayong sakim
Sa damdamin ng abang kagaya kong isang mortal
Ang dugo'y mas matimbang kaysa kapital
Napuna kong di maaring magkameron ang wala
Kung kaya ko minangyaring mangalakal ng bahagya
Upang matiyak ang tagumpay, naglakasloob akong
Sa maginoong sanay kumunsulta't magtanong
Nais ko sanang matutuna't nang gayo'y magaya ko
Paano kang namumuhunan, ba't ang yamanyaman mo
At ang agilang anghel ay nagladlad na ng anyo
Ang wika ni Tiyo Samuel: Ang puhunan ko'y kayo!
54. Rehas
Rehas ang bawat bukangliwayway
Mula sa pagdilat hanggang paghimlay
Ika'y sa galaw ng madla sasabay
Landas man ay rehas ng paglalakbay
Rehas ang awit, pader ang tula
Selda ang tila magarang dula
Pagkahabahaba ng tanikala
Bihag, kailan ka makakawala?
Yaman ay rehas ng paghahanda
Rehas ang oras sa iyong pagtanda
Ganda't tagumpay walang mapapala
Rehas ang buhay kung siya ay wala
Minsang nakatali ang asong hangal
Ikut ng ikot hanggang masakal
Huwag kang mangiti at huwag kang matuwa
Gapos ka rin ng sariling gawa
Rehas ang buhay, rehas ang buhay
Rehas ang buhay kung siya ay wala
55. Salamat Musika
Paano mo patatahimikin
Ang isang bunsong iyakin
Huhunihan ni inay ng la-la-rin-la-rin
Paano mo patatahanin
Ang pagtatampo ni Neneng
Pasalamat ka't may awit na kakantahin
Sa mga indayog tayo'y napapasayaw
At sa labis na galak ay napapasigaw
Ang mga kirot sa puso ay lumilipad
Ang mga mithi ay natutupad
Salamat, salamat musika
Lahat ng panahon maaasahan ka
Salamat, salamat musika
Itong munting mundo ay napapasigla
Ang mga bituin sa langit
At mga katha ng isip
Ay hindi sapat upang mabuhay ang daigdig
Ang magagandang tanawin
At mga tulang malalim
Kukulangin din upang tayo ay aliwin
Aanhin ang kayamanang di madadala
Aanhin ang kagandahang pansamantala
Ang katahimikan ba ay may magagawa
Upang ihayag ang nadarama
Salamat, salamat musika...
Napapasaya!
Salamat, salamat musika...
56. Sayang Pag Sinayang Mo
Ang pinakatangi kong pag-ibig
Sayang pag sinayang mo
Gaya ng sariwang hangi't tubig
Sayang pag sinayang mo
Ang pinakatangi kong paggiliw
Sayang pag sinayang mo
Gaya ng mga parang at liliw
Sayang pag sinayang mo
Ang pinakatangi kong pagsuyo
Sayang pag sinayang mo
Gaya ng bakawang naglalaho
Sayang pag sinayang mo
Ang pinakatangi kong pag-irog
Sayang pag sinayang mo
Gaya ng mga lawa at ilog
Sayang pag sinayang mo
Sayang pag sinayang mo
Sayang pag sinayang mo
Sayang pag sinayang mo
Sayang pag sinayang mo
Ang pinakatangi kong damdamin
Sayang pag sinayang mo
Gaya ng mga punong malilim
Sayang pag sinayang mo
Ang pinakatangi kong pag-asa
Sayang pag sinayang mo
Gaya ng mga ibong malaya
Sayang pag sinayang mo
Ang pinakatangi kong ligaya
Sayang pag sinayang mo
At pinagpalit mo sa basura
Sayang pag sinayang mo
Ang pinakatangi kong pangarap
Sayang pag sinayang mo
At ako ay lalong maghihirap
Sayang pag sinayang mo
Sayang pag sinayang mo...
Sayang!
Sayang pag sinayang mo...
Sayang pag sinayang mo...
57. Taho
Kanina pa ako nagbabantay
Di ka naman sumusulpot
Kanina pa ako naghihintay
Marinig ang iyong pot-pot-pot
Taho, taho, taho, taho
Ako'y pinaglihi sa sago't arnibal
At pinalaki sa patakal-takal
At tinutukso na anak ng tokwang
Taho, taho, taho, taho
Kung nandiyan ang tatay ko
At mayrong mahihingan
Di ka naman naglalako
Di ka naman dumadaan
Taho, taho, taho, taho
Bakit ba kasi di ka sumisikat
Bakit ba kasi di ka kumakalat
Ang mga tindahan di nagtitinda ng
Taho, taho, taho, taho
58. Tao Pa Rin
Maigib mo man ang dagat at masalin sa balon
At masala man ang alat upang ating mainom
Mapaamo man ang hangin at landas niya'y ibahin
Sa puso at damdamin, ang tao ay tao pa rin
Ang karunungan ay di mapigilan
Sa lawak ng sining at ng agham
Ang sabi ng tao, kayrami nang bago
Ngunit ang aking alam
Mapitas mo man ang araw at masilo ang apoy
Upang alab niya at ilaw, sa gabi'y tuloytuloy
Ang dilim at ang liwanag kahit pagbaligtarin
Sa puso at damdamin, ang tao ay tao pa rin
Ang tao ay tao, ang tao ay tao
Ang tao ay tao pa rin
Iba na ang himig, iba na ang awit
Iba na ang hilig ng henerasyon
Iba na ang wika at diwa subalit
Tao'y panghabangpanahon
Mapahaba man ang buhay ng daan-daang taon
Magawa mo man kahapon ang nagagawa ngayon
Malutas mo man ang lihim ng gulang ng bituin
Sa puso at damdamin, ang tao ay tao pa rin
Ang tao ay tao, ang tao ay tao
Ang tao ay tao pa rin
Kailangang umibig, kailangang ibigin
Kahit na dusa ang kakambal
Ang hahanapin at hahagilapin
Ng puso ay pagmamahal
Sa katarungan at katotohanan
Habang may buhay ay nagmamasid
Sa kalayaan at kapayapaan
Uhaw ay di mapapatid
Palitan mo man ang puno ng mga pamunuan
O mangyari mang maglaho ang pamahalaan
Ang isang milyung layunin kahit na pag-isahin
Sa puso at damdamin, ang tao ay tao pa rin
Ang tao ay tao, ang tao ay tao
Ang tao ay tao pa rin
59. Ultimo Adios
Adiós, Pátria adorada, región del sol querida,
Perla del mar de Oriente, nuestro perdido Eden!
A darte voy alegre, la triste, mustia vida:
Si fuera mas brillante, mas fresca, mas florida,
También por ti la diera, la diera por tu bien!
Paalam, Bayang hirang, lupang hitik sa araw
Perlas ng Silanganan, aming naglahong Eden
Lugod kong iaalay, lanta't hapis na buhay
Naging mas marilag man, sariwa't mas mabunga'y
Handog man din sa iyo, sa iyong ikagagaling
Ensueño de mi vida, mi ardiente, vivo anhelo,
Salud! te grita el alma que pronto va a partir,
Salud! oh que es hermoso caer por darte vuelo,
Morir por darte vida, morir bajo tu cielo,
Y en tu encantada tierra la eternidad dormir!
Mithi ng aking buhay, adhikang nagniningas
Mabuhay! hiyaw ng diwang handa nang maglakbay
O kay timyas pumanaw, tamis ang kamatayan
Upang ika'y mabuhay, maitanghal ka lamang
Sa iyong sinapupunan malaong hihimlay
Adiós, kapatid, magulang, kabiyak ng aking diwa
Kababatang kaibigan sa tahanang natangay
Sa nakakahapong araw, salamat at hihimlay na
Adiós, dayong magiliw, aking sinta't ligaya
Mga mahal, paalam, kapahingahang mamatay
Adiós, padres y hermanos, trozos del alma mia,
Amigos de la infancia en el perdido hogar
Dad gracias que descanso del fatigoso dia...
Adiós, dulce extranjera, mi amiga, mi alegria!
Adiós, queridos seres! Morir es descansar!
Gary Granada lyrics | LyricsMode.com
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
mayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.
Post a Comment