Friday, December 18, 2009

Ramon Ayco Songs

TANO
May isang magsasaka
Tano ang Pangalan
Lupa niyang sinasaka'y
Tanging kayamanan
Minsa'y nagkasakit
Kaisa-isang anak
Naubos ang konting pera'y
Di pa rin lumalakas
Sa asendero ay nangutang
Isandaang piso lang
Ngunit ito'y madodoble
Sa anihan babayaran
At kapag pumalya
Madodoble na naman
Madodoble ng madodoble
Hangga't di mabayaran
Tano, Tano
Sa gipit mong kalagayan
Tano, Tano
Anong Kasasapitan
Lumipas ang mga anihang
Sinalanta ng bagyong nagsidaan
Ang pobreng si Tano'y
Nabaon sa utang
Hanggang ang lupa niya
Ang naging kabayaran
May utang pa si Tano't
Nakikisaka na lang
Ilan ang tulad ni Tanong
Pinahihirapan
Sila'y marami pa ngayon
Doon sa kanayunan
Ngunit itong si Tano
Ay biglang nagtago
Nang siya"y makita
Doon sa kabundukan
Kasama ng sandatahan
Siya'y naging mandirigma
Ng bayang lumalaban
Ngayon ay lumalaban
Si Tano sa gahaman
Mga tulad ni Tano
Tayo nang lumaban
Tayo nang lumaban
Tayo nang lumaban
HABILIN

Sa gitna ng kadiliman
Mababanaag ang larawan
Malamig na bangkay ng ating mahal
Paghatid sa libingan

Sa gabing nagluluksa
Mababakas ang pangarap nya
Na sa atin noo'y nasambit tuwina
Ganito ang nawiwika

Ako'y nakikipaglaban
Para mapalaya ang bayan
Na nagdurusa sa pagsasamantala't
Pang-aapi ng gahaman

Kung sakali mang
Katawan ko'y mabuwal
Pangarap na ito'y hindi mamamatay
Sa inyo pangarap ko'y mabubuhay

Sa gitna ng kadiliman
May bulong ang karaingan
Tinig na kay lamig ng ating mahal
Bago bawian ng buhay

Sa gabing nagluluksa
Bumubulong ang habilin nya
Kung ngayon dito siya'y magsasalita
Ganito ang mawiwika

Kapatid ko at magulang
Mga kasama't kaibigan
Pahiran ang luha sa inyong mga mata
Lungkot ay ibaling sa katapangan

Kung nais ninyo na ako'y paghandugan
Huwag bitiwan ang aking pinaglaban
Palayain ang ating Inang Bayan
Palayain ang ating Inang Bayan.
KALIKASAN
Mahirap sigurong maging halaman
Na di makakita'twalang pakiramdam
Kahit na anong gawin matapos pakinabangan
Kahit na sila'y patayin hindi makalaban

Mahirap sigurong maging hayop sa gubat
Kahit di alipi't malaya sa pagyurak
O kaya'y maging ibong malaya mang lumipad
Kung patuloy na makakalbo ang tahanang gubat

Koro:
Kay hirap ng buhay kung walang liwanag
Tayo nang tumahak kung saan may sikat

Mahirap din sigurong maging isda sa tubig
Hirap sa paglangoy sa maruming daigdig
Napipilitang kumain ng basura at putik
Hanggang sa malipol ng bombang nakatutulig

Di ba't mahirap din ang buhay natin
Kung walang kalayaa't patuloy na alipin
Ngunit isa lamang ang pinagkaiba natin
Tao tayong marunong lumaban sa pang-aalipin

(ulitin koro 2x)
DILAW NA BULAKLAK
Ito ang alamat
ng dilaw na bulaklak
Na may ganda't bangong mapanghikayat
Binhi nya'y hinasik
ng Agilang mapanghamak
Sa daang pagitan
ng batong matatalas

Ito ang alamat
ng dilaw na bulaklak
Na sa ganda't bango'y
sinamba ng mahihirap
Umaasang kagutuman
nila'y malulutas
Kaya ipinagpalit
Sa itim na bulaklak

refrain:
Ang sabi ni Tatang
mag-ingat ka anak
Dilaw na bulaklak,
may lason at kamandag
Mag-ingat ka anak
sa dilaw na bulaklak
Ganda't bango niya
ay nahuhubad

Ito ang alamat
ng dilaw na bulaklak
Gumagapang ang ugat
naghahanap ng makakagat
Mga mamamayang
sumasamo't nakikiusap
May namamatay
sa lason at kamandag
Ito ang alamat
ng dilaw na bulaklak
Dinilig ng dugo
kaya bumubukadka
Dugong sinasalok
ng batong matatalas
Na siyang sandigan
ng dilaw na bulaklak
(ulitin ang refrain)
Masdan mo't
umiitim na ang bulaklak
Umiitim na ang
dilaw na bulaklak
PAGLALAKBAY
Ako ay naglakbay
Upang hanapin ang buhay
Ang aking sasakya'y
Musikang namana sa patay
Sa aking paglalakbay
Iba't iba ang nakakasabay
Pawang naghahanap
Ng masagana at masayang buhay

Ako'y nakarating
Sa talampas na kay talim
Aking nakita
Ang tamang landasin
Ngunit sa daan
Ay may nakaharang
Higanteng Agila
Na lumalapa, matakaw sa laman
Kanyang kasama'y
Dalawa pang halimaw
at mga galamay
na tagahuli at tagapatay

Upang malagpasan
Ang mga nakaharang
Dapat puksain dapat lumaban
Dapat puksain dapat lumaban
Dapat puksain dapat lumaban
NAKU

Naku tumitilaok na ang manok
Oh kay sarap pang matulog
Pero dapat nang bumangon
Kasi may trabaho pa ngayon

Pagligo, tulo-tulo lang ang tubig
Almusal, kape't tirang lamig
Memya, pagsakay sa bus o dyip
Alihuup, habol, takbo, sabit

refrain:
Ganito kaming manggagawa
Mabilis, masipag, matiyaga
Pero ba't di umaasenso
Laging mababa ang sweldo

Naku ingat lang sa trabaho
Makina baka kainin ang iyong ulo
Uups, ingat lang sa paglakad
Kasi ang semento'y madulas

Uuy, oras na ng tanghalian
Maka-idlip kahit konti man lang
Memya, pagdating ng uwian
Alihuups, habol, sabit na naman
(ulitin refrain)

Laging mababa ang sweldo
Dapat ilaban ang sweldo
Dapat itaas ang sweldo
MUSEO
Sa isang pangarap
Aking napuntahan
Isang napakalaki't
Napakalawak na bulwagan
Doon sa loob
Ay aking natunghayan
Ilang bagay na sa tao'y
May kinalaman

Ang una kong nakita'y
Madilim na bilangguan
May mga bilanggong
Naka-kadena't sugatan
Ito'y aking pinasok
At sila'y nilapitan
Namangha ako
Sila pala'y estatwa lang

Sa bulawaga'y maraming
Pulutong ng mga tao
Armadong lahat
Pawang unipormado
Nang aking lapitan
Matitigas panay bato
Mga sundalong estatwa lang pala
Nga mga bayan sa mundo

Naroon din ang mga
Kasangkapang pandigma
Masinggan, kanyon,
Tangke't mga bomba
Sa dingding na pader
Ng bulwaga'y nakapinta
Mga bombang nuklear, lason
At marami pang iba

Langit ay maaliwalas
Nang ako'y lumabas
At sa di kalayuan
Ay aking namalas
Masasayang mga batang
Namimitas ng bulaklak
May mga nag-aawitan
Sa gitna ng liwanag

Nang aking lingunin
Ang malaking bulwagan
Malalaking mga titik
Nakaukit sa pintuan
Ito ang Museo
Ng mga Kasangkapang
Ginamit ng Tao
Upang Tao'y Pagsamantalahan

Langit ay maaliwalas
Nang ako'y lumabas
At sa di kalayuan
Ay aking namalas
Masasayang mga batang
Namimitas ng bulaklak
May mga nag-aawitan
Sa gitna ng liwanag
SANDATA'Y HAWAKAN

Huwag ka ng lumuha
Aming Inang Bayan
Anak mo'y narito
Ngayo'y lumalaban
Anumang hirap
Aming lalagpasan
Buhay may ialay
Sa 'yong kapakanan

Huwag ka nang malumbay
Aming Inang bayan
Kung sa anak mo'y
May mabuwal
Maraming nagbabangong
Kapalit na kawal
Muog na bakal
Ang siyang kapantay

Koro:
Sandata'y hawakan
Mga kapatid
Pawiin ang hirap
Ng Inang may hapis
Dangal na niyuraka'y
Ating itindig
Kalayaa'y angkinin

Ang ating kilusan
Nang ito'y itatag
Aliping yuko'y
Iwinaksi ang paghamak
Ang bayang lumalaban
Ngayo'y lumalakas
Naghahari'y lulupigin
Hanggang sa wakas

(Ulitin koro)
MALILIIT NA LANGGAM

Maliliit na langgam
Pila-pilang nagdaraan
Wala man lang nagbabanggaan
Kahit makipot ang daan
Maliliit na mga langgam
Kung magtayo ng tahanan
Tulong-tulong sa hakutan
Tulong-tulong kahit saan

May mga tao
Naturingang matalino
Suliraning kapiraso
Agad nagkakagulo
Sa kayamanan
Laging nag-aagawan
Sa kapangyarihan
Laging nag-iinggitan

Maliliit na mga langgam
Tulong-tulong sa hakutan
Ng pagkaing ilalaan
Sa pagsapit ng tag-ulan
Mga langgam kahit tag-ulan
Maligaya pa ring nananahanan
Ang bagyo kahit dumaan
Sa punso'y nagdiriwang

May mga tao
Labis-labis ang luho
Tag-init o tag-ulan
Kay raming sinasayang
May mga tao
Naturingang matalino
Nang dahil sa kasakiman
Gugunawin ang mundo

Maliliit na mga langgam
Halina't tayo'y magtulungan
Ating itayo ang tahanan
Ng kinabukasan
Ating itayo ang tahanan
Ng kinabukasan
IBON

Sa sanga ng isang puno
Ay may nadakit
Isang munting ibong
Pagkarikit-rikit
Sa malagintong hawla
Siya ipiniit
Masasarap na pagkain
Sa kanya hinahatid

Hindi nakapagtataka
Kung bakit siya'y malungkot
Sa araw at gabi
Piyok ng piyok
Ang bigay na pagkain
Di yata malunok
Nais niya ay lumipad
Doon sa tugatog

Isang araw noon
Ang ibo't kinuha
Siya ay nanlaban
Hanggang makawala
At sa kanyang paglipag
Siya'y tuwang tuwa
At kanyang ipinagbunyi
Ang kanyang paglaya

Sa munting ibong yao'y
Dapat mahinuha
Na sa ating mga tao
Ito'y mahalaga
Tulad ng mga ibong
Nakapagpasya
Kung tayo'y may kalayaan
Tayo'y liligaya

Kaya mula noon
Ang ibo'y lumisan
Ang kanyang tinungo'y
Bundok at kaparangan
At siya'y sinalubong
Ng mga awitan
Ngayon siya ay kabilang na
Sa bayang lumalaban
DESAPARECIDOS

Matagal na rin kaming
Naghihintay-hintay
Isa man sa inyo'y
Walang lumilitaw
Alam naming kayo'y
Hindi nangaligaw
Sapagkat wastong landas
Sa inyo'y malinaw

Matagal na rin kayong
Hinahanap-hanap
Isa man sa inyo'y
Hindi matagpuan
Tiyak na walang ibang
Dapat pagbuntunan
Kundi ang mapaniil
Na pasistang halimaw

Nasaan kayo
Aming mga mahal
Anino nyo man lang
Ay sabi mahalikan
Sila'y malulupit
Haling sa karahasan
Kayo ma'y ipiniit
Ipakita man lamang
Kung kayo ay pinaslang
Ilitaw ang inyong bangkay

Niluray nyo mang katawa'y
Di nakatagal
Sa dahas ng mga
Pasistang bayaran
Ang inyong katataga'y
Dinadakila
Na di sumuko sa
Karahasan

Kayo ma'y
Sa hukay na ibinilanggo
Sumilain nyo'y
Hindi maitatago
Hahanapin namin ang katarungan
Tagumpay tiyak na matatagpuan
Matatagpuan, matatagpuan
Matatagpuan
ALAY

Oh mutyang Inang Bayan
Luha mo ay pahiran
Kaming iyong mga anak
Tuloy sa paglaban
Tahan na aming mutya
Di dapat na malumbay
Ang kanyang pagkamatay
Dahil sa'yo Inay
Koro:
Masdan mo ang iyong paligid
Tumigil na ang pananangis
Ang pighati naming lahat
Tapang ang pumalit
Tulad ng aming kapatid
Na nagbuwis na ng buhay
Ang buhay naming lahat
Sa'yo Ina'y alay
Sa amin man ay may muling mabuwal
May hahalili pang mga kawal
Di nila mauubos
Kaming mamamayan
Masdan mo Inang bayan
Pulang araw sa Silangan
Iya'y tanda ng pag-asa
Ng kalayaan
(Ulitin koro at huling istansa)
BABAE
Kayo ba ang mga Maria Clara
Mga Hule at mga Sisa
Na di marunong na lumaban
Kaapihan bakit iniluluha
Mga babae kayo ba'y sadyang mahina
Kayo ba ang mga Cinderella
Na lalake ang tanging pag-asa
Kayo nga ba ang mga Nena
Na hanapbuhay ang pagpuputa
Mga babae kayo ba'y sadyang pangkama
Koro:
Ang ating isip ay buksa
At lipuna'y pag-aralan
Pa'no nahubog inyong isipan
At tanggaping kayo'y mga libangan
Mga babae ito nga ba'y kapalaran
Bakit ba merong mga Gabriela
Mga Theresa at Tandang Sora
Na di umasa sa luha't awa
Sila'y nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban ang mithiin ay lumaya
Bakit ba merong mga Liza
Mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot makibaka
At ngayo'y marami ng kasama
Mga babae ang mitihiin ay lumaya
(Ulitin and koro at huling istansa)
PILIPINO SA IBAYONG DAGAT
Kay layo ng iyong nilakbay
Sa paghahanap ng kapalaran
Sa bayan nati'y di maibigay
Ng bulok na kaayusan
Ngunit pagyapak sa lupang dayuhan
Kaibang hirap ang nararanasan
Pang-aapi at pagsasamantala
Nadagdagan ng lungkot at dusa
Pilipino sa ibayong dagat
Huwag sarilinin ang lungkot at hirap
Lumapit ka at makiisa sa mga kapatid
Makibaka, pagbabago ay kamtin
Sa malayong lupang nilakbay
May naghihintay na kapalaran
Sa bayan nati'y maibibigay
Kapatid mo ay umaasam
Kailan mo pa huling hinagkan
Ang alaala sa sariling bayan
Si Ina ng ikaw ay magpaalam
Lugmok sa hirap mata'y luhaan
Dinggin mo ang Inang bayan
Sumisigaw ng pakikilaban
Bahagi ka ng buong sambayanan
Makibaka sa paglaya ng bayan
KAGUBATAN NG KALUNSURAN
Dito sa kagubatan
Sa gitna ng kalunsuran
Mga tao'y nabubuhay
Di malaman ang dahilan
Merong nasa sugalan
Merong nasa putahan
Merong nasa paaralan
Lahat ang punta'y sa simbahan
refrain:
Kay ganda mo kalunsuran
Maraming ilaw at bulwagan
May libangan, may paaralan
Napakarami ng simbahan
Marami ang nagtatrabaho
Kulang ang sinusweldo
May ilang namumuno
Bulsa nila ang pinupuno
Merong mga babae
Nagkalat sa tabi-tabi
Ligaya ang pinagbibili
Sa kahit sinong lalake
(Ulitin ang koro)
May mga kabataan
Nanginginain sa basurahan
Wala silang inuuwian
Nasan ang mga magulang
Merong nasa bangketa
Sila'y doon na tumitira
Naghihintay na lang ng awa
Bakit walang kumakalinga
(Ulitin ang koro)
Dito sa kagubatan sa gitna ng kalunsuran
Mga tao'y nabubuhay sa kung ano-anong paraan
BILANGGONG PULITIKAL
Ano'ng kasalanan
Ng mga taong ito
Ba't sila hinuli
Sinaktan, ibinilanggo
Meron ba sa inyong
Nais tumistigo
Kung sila'y kriminal
O mga dakilang tao
Subersyon ang kaso
Ni Noling makata
Si Dencio ay hinuli
Sa pamumuno ng welga
Si Teryo na isang lider magsasaka
Inaakusahang isang komunista
Sa rali si Noli ay tumula
Nagtatanong kung
Ano ang bayang malaya
Ito ba ay tulad
Ng ating bansa
Mayaman sa mangmang
Marami ang dukha
Sigaw nila Dencio
Noon sa welga
Aming nililikha
Ang yaman ng bansa
Sa konting kahilingang
Dagdagan ang kita
Ano't ginigipit
Ng mga kapitalista
Sigaw nila Teryo
Doon sa demonstrasyon
Lupa, libreng lupa
Hindi ebakwasyon
Gobyerno"y tuloy
Sa militarisasyon
Kaming magsasaka"y
Lalong nagugutom
Ano ang kasalanan
Ng mga taong ito
Ba't sila hinuli
Sinaktan, ibinilanggo
Meron ba sa inyong
Nais tumistigo
Kung sila"y kriminal
O mga dakilang tao
Meron ba sa inyong
Nais tumistigo
Kriminal o dakila
Sino sa inyo?
PANTASYA

Kay tagal ko ring
Nabuhay sa Pantasya
Ang buhay raw ng tao
Kapalaran ang may pasya
Tulad ng gulong
Mapataas, mapababa
Ngunit bakit tayo
Lagi na lang dukha
Kay tagal ko ring
Nabuhay sa paniwala
Kapalaran daw ng tao
Darating na lang kusa
O ito'y itinakda
Guhit ng tadhana
Ngunit ito pala'y
Isa lamang haka-haka
Koro: Ang dating mga pangarap
Tinapon ko nang lahat
Ang langit nating mga dukha
Tayo ang gagawa dito sa lupa
Ngayo'y alam ko na
Kung bakit naghihirap
Tayong mga dukhang
Punong-puno ng haka-haka
Ang langit at impiyerno
Sila rin ang may likha
Langit ay kanila
Tayo ang kawawa
Ngayo'y alam ko na
Ang tunay na mga demonyo
Sila ang nagpapasasa
Sa kayamanan ng tao
Tayo ang lumilikha
Ng kayamanan sa mundo
Ngunit tayo pa rin ang
Nakatira sa impiyerno
(Ulitin ang koro)

No comments: